Thursday, April 2, 2009

PAL (Palamunin Abusado Losyang)

I woke up this morning with a smirk on my face when i read the message on my phone sent by my former classmate. I'd like to quote what he sent, "Habang kaya ka pang buhayin ng magulang mo, di ka pa dapat maghanap ng trabaho". That's the worst quote I have ever read. It's completely out of this world. LOL. Maybe it's a values thing. Like, graduate ka na at the age of 20/21, ang parents mo ay malakas pa and they're both on their late 40's and both employed at ikaw ay solong anak o bunso sa isang libong magkakapatid at ang mga kapatid mo naman ay doctor na, engineer or attorney tapos ikaw na fresh graduate ay walang balak maghanap ng trabaho dahil may magpapakain naman sayo. Aba, nakakatawa naman ang ganyang disposisyon sa buhay. Sa Amerika, as early as 16 ay nagtratrabaho na sila para pag ipunan ang college tuition fee. Ano nga naman ba ang pakialam ko sa mga ayaw pa magtrabaho di ba? Di naman ako ang nagpapakain sa kanila. WRONG. Ang dinadaan nilang kalsada pag papunta sila sa gimikan ay galing sa tax ng taong bayan. Mga taong nagtratrabaho habang sila naman ay nakiki-apak sa maayos na daanang pinaghirapan ng iba. Nakakasuhan ang mga ganyang palamunin. at walang kontribusyon sa lipunan. Tayong lahat ay mag obligasyon na tulungan ang bansa natin hanggang sa abot ng ating makakaya. It's stated in our constitution. At one point may kasalanan din ang magulang ng mga tambay. And of course parents would forever defend their children no matter what but the thing that they never considered the day they decided to let their children grow old without helping themselves is that the whole community is affected by this. Trust me. Kahit saang angle tingnan, super wrong talaga ang maging tambay by choice. Eh di sana ginawa na lang silang pilay kung ayaw rin lang nila tumulong sa pamilya mo at sa pilipinas. Kaso ang masaklap, kung sino pang may kapansanan ay siya pang nagbabanat ng buto. Lame excuse pa ng iba, wala raw taong perpekto. Wala namang humihiling na maging perpekto sila. Maging functional lang sila sa lipunan by being a tax payer or simply being not a burden and a contributory sa kahirapan ng bansa ay sapat na para maituring silang taong may kwenta. Nakaka losyang ang tambay. 70 percent ng tambay na nasa 20's eh mukha ng 30 years old. LOL. Teka, dedefine ko muna ang tambay ayon sa aking perception. Ang tambay ay yung wala ng ginawa buong buhay niya kung hindi manghingi ng pinaghihirapan ng ibang tao na pwde naman niya sanang maibigay sa sarili niya kung gugustuhin niya lang. Ang tambay ay yung lahat ng kabatch niya sa college ay nakabili na ng bahay habang siya naman ay nananatili pa rin sa bahay ng ninuno niya. Ang tambay ay yung pag gising sa umaga, wala na siyang madadatnan sa bahay dahil lahat ng tao ay pumasok na sa opisina. Although meron din namang naitutuloing minsan sa bahay, nagwawalis, nagluluto at kung anu-ano pang trabaho na definitely walang kinalaman sa pinag-aralan niya sa college. Don't these people feel lost?

No comments: