Wednesday, April 1, 2009

11 Days and Counting

Nasha-schock naman ako masyado kapag tinatawagn ko si Rea. Sabay tili on top of our lungs pa ang drama namin. Walang araw na hindi namin napag-uusapan ang pag-aaply sa work and all about the future. Nakaka stress. Tapos na ang school days, bagong stress nanaman ang hinaharap namin ng bonggang bongga. March 21, 2009 ako grumaduate sa double degree course na Bachelor of Science in Public Administration and Legal Management (BS-PALM) sa St Paul University Philippines. ngayon ay April 1, saktong 11 days after that long-waited gratification day.Since wala namang bakasyon ang parents ko sa pagwowork, eh di as usual, mondays to fridays aalis sila ng house ng 8am, ako naman ay nanonood ng tv, nag-aantay lumayas ang mga tao sa bahay para masimulan ko ang paglilinis at pagbalik nila ng 5pm, dinner naman namin ang aasikasuhin ko. Kumusta naman yun. Parang Domestic Helper lang. Nung first 5 days ng bakasyon ko, masaya naman at stress-free. Pero nung lumipas ang ilang araw, napapansin kong paulit ulit na ang nangyayari. Para akong zombie na nakaupo sa couch habang nag-aabang ng magandang pelikula sa tv. Minsan pa nga pati mga 1960's na pelikulang PIlipino pinagtitiyagaan kong panuorin with all the black and white effect. Sinusulit ko lang naman ang bakasyon galore moment ko. Di ko naman na ito magagawa once na nagstart nako mag work. Don't get me wrong, may plano naman ako magtrabaho. In fact, excited ako to work. Yun nga lang, hindi ko pa naiisip kung san ako mag-aapply. Hindi ko problema ang qualifications, kasi may bonggang bonggang degree naman ako, DEGREES pala at civil service eligible pa ko. Problema ko lang kung saan ko ba talaga gustong magwork. Ang taray, habang ang milliong milliong tao, papasukan kahit anong work, eto naman ako, namimili pa. Some of you might think na nasasabi ko lang to dahil di ko pa nararanasan ang real world at oras na umalis ako sa comfort zone ko ay maiintindihan ko rin na hindi dapat namimili ng work. Wala ba akong karapatang mamili ng work? Isa pa, wala akong balak umalis sa comfort zone. Define comfort zone muna. LOL. Basta may malinis na tubig at bahay ok na ko dun. Pero i'm kidding. haha. Isa pang confusion, gusto kong mag law school. Gusto naman kaya ng law school sakin? Naniniwala kasi ako na saka ka lang mag law school pag sa tingin mo, yun ang calling mo. Ano bang senyales na yun na talaga ang calling mo? After ng Holy week, magsstart nako mag apply for work, so wish me luck. Hoy, GOOD luck lang ha, wala ng iba. hehehe. =D

1 comment:

Bradpetehoops said...

Nearly most of the time ganyan talaga ang buhay! Nice blog!