Oo nga, not so smart, hindi ako mapanghusga, hindi rin ako out of words. Ayaw ko lang gamitan ng euphemism kasi yun at yun pa rin naman ang ibig sabihin so what’s the point? Anyways, Mahirap ang kolehiyo para sa mga hindi nabiyayaan ng balanced intelligence sa left o right brain. Actually, simula ng malaman nila ang concept ng schooling and having a classmate and teacher, nagstart na rin ang kalbaryo sa buhay nila. Good thing may mga kilala akong willing naman talaga matuto at ma-improve ang present state ng brain nila. May mga na encounter na kasi akong estudyante, grabe kung mag-aral. Nalalaman ko pa na minsan madaling araw na sila natutulog dahil tinapos nila ang kanilang requirements at homeworks habang ang iba nilang classmates ay 1 hour lang nila tinapos ang parehong homeworks and take note, kasali na sa 1 hour na iyon ang youtube, friendster, multiply at iba pang irrelevant online communities. Sweet! Then here comes the hell week, I mean, exam week as average students would refer to, ilang oras bago magstart ang exam, nakikita ko silang natetense at alalang alala. At pag nakikita ko ang mga ganung eksena nila ay kinakabahan na rin ako. Di ko kasi alam kung bakit parang ako lang ang hindi worried about the exam. Di ba? Nakaka kaba pag di mo alam ang rason kung bakit ka hindi kinakabahan while everyone is so anxious? Ilang araw lang ay lumabas na ang result ng exam. Hindi ako makapaniwala. Parang nagbabasa ako ng libro ni bob ong while looking at their scores, mixed thoughts, natatawa, dahil parang hindi totoo at napapaisip dahil parang may mali. Wala pa sa ¼ ng passing rate ang score nila. I don’t want to think that they’re retarded, imbecile or whatever adjective’s more appropriate. So what went wrong? Curious ka? Alam ko, because the result begs the question WHY. So nanatili sa isip ko yang query na yan kaya naman gumawa ako ng paraan para magka idea ako kung bakit nagkaka ganun ang result ng exams nila. Concerned ako, hindi pakealamera. Well maybe they need help or anything, right? That’s what good fellow students do, help one another. He-he. Parang totoo ano. Well Nag-aral naman daw sila. Sadyang wala daw talaga lumalabas sa isip nila pag nakikita na nila ang questions. Kahit ganoon ang result ng lahat ng exam nila, saludo ako sa mga ganyang hindi gaanong nabiyayaan ng masyadong katalinuhan kasi atleast sinubukan nila and did not let themselves be doomed forever to the burning gallows of ignorance for not doing their part as students. But of course meron din talagang hindi nag-aaral mabuti. Yun bang napipilitan lang pumasok sa school para makahingi ng allowance at para ma i-display ang uniform para lang masabing sila ay estudyante. That’s bad. It makes them look young, you know. Iba ang sense of humor nila. Kung anong nakakatawa sa tingin ng karamihan ay siya namang walang impact pag dating sa kanya. Sila usually yung active sa non-academics. May konting alam sila sa sayaw, kanta at kung anu-ano pang talent na for sure ay hindi nila nagagamit sa loob ng classroom. Mas feel nila ang fun doon kesa academic stress, forte kasi nila yun eh. Sino nga naman ang ayaw ng fun. Pero sabi nga nila, lahat ng sobra ay nakakasama. Sobrang fun man o sobrang aral. Balanced lang dapat. Bago pa ako ma accuse of being exaggeratedly opinionated and judgemental, I’ll move na sa pangalawang klase ng estudyante. Ang napaka swerteng lubos na nabiyayaan ng katalinuhan sa left or right brain, even greater, both. Amazing. I know, right. Bihira ang ganitong smartness. I mean, at least sa mga nakasalamuha ko na. Sila yung mga tipo ng estudyante na kahit hindi nagrereview till wee hours ay nakakakuha ng amazingly high or passing rate. Hindi rin sila madalas sa library. Someone whom I consider na part ng category na ito told me her secret. Hindi brain pills okay or worst thoughts, brain transplant. NO. NO. Nakikinig naman daw sila sa classroom discussions, but they are more sa pag se-self-study. May sarili siguro silang library sa bahay nila. Or maybe because of the advanced technology, may unlimited internet access sila so everything they need is in the tip of their hands. Cool! Nagpupuyat sila at one point pero they make sure na magpe-pay off ang sacrifices nila. Ang galing no? They don’t usually carry with them so much books in school. Kasi naman daw, sa bahay daw sila nagbabasa, hindi sa school. The reason why they bring their books at times ay para may reference sila while the discussion is on going, but most of the time, hindi nila dinadala ang libro. So I disagree sa ibang teachers na pinapagalitan ang students pag naiiwan ang books, na kesho yung bahay daw ba ang nag-aaral at iniiwan doon instead na isama sa school? One thing, hindi lahat ng nagdadala ng books sa school ay nagbabasa. Napatunayan ko na yan. Yung iba nga kulang na lang dalin ang lahat ng volume ng encyclopedia nila pero pag tinanong naman about something na nasa books na favorite niya naman daw kuno, wala naman siyang alam. Are these people crazy of bluffer lang talaga? Mahilig sa ego stroking. Everything is for show. For your eyes only sabi ko nga.LOL. But I’m not saying na lahat ng matalino ay hindi nagdadala ng books at all. Anyways, still on the second category. Kung sino pa ang madaming nalalaman ay sila pa yung hindi mayabang. Usually quiet lang sila. They don’t open topics na ma eemphasize ang intelligence gap between them and other people. After all, they don’t need to prove themselves to people. Pag itatanong mo sa kanila kung nag-aral ba sila prior to taking the exams, sagot lang nila ay pare-pareho, “hindi nga ako nakapag-aral eh”. Whoa! Hindi daw nakapag-aral pero kulang na lang ay ma uno na sila sa lahat ng subjects nila. On issues na kelangan ng facts sa conversation, ang mga nakaka usap nila na hindi maka relate at ayaw maniwala sa facts na iyon ay pilit na nakiki debate. Mahilig sa ubusan ng dugo or simply, nosebleed moments. Ang usual jokes nila ay mga tungkol sa politics, current issues, movies at iba pang topics na kung hindi ka makakasabay ay kailangan mo talaga manood ng news at magdala ng dictionary because these people don’t like the idea of simplifying things and pag hindi ka natawa sa joke or conversation nila, lost ka. Nakaka comatose naman sila kausap.
At dahil sumasakit na ang ulo ko kare-reminisce ng astonishing evidences of intelligence ng mga smart people na to ay move on na tayo sa pangatlong klase ng estudyante. Baka ikaw na to at maka relate ka na ng tuluyan. Magbasa ka lang. Sige. May classmate ako noon na napaka diligent. Swerte, kasi nabiyayaan ng labis na forbearance. Napakasipag mag-aral. Nagsusunog talaga ng kilay and good for them kasi nagpe-pay off naman kasi okay naman ang academic standing nila. Meron ka lang nito, it’ll keep you going all the way sa college. My younger brother would always reiterate the line “Patience is the key to success”. And it makes me think every once in a while that maybe he’s right at one point. Nadedevelop naman ang patience di ba? So may chance din na bumaba ang patience level nila at times at pag nangyari yun sayo and it’s the only thing that you have, you are so dead. Anyways, itong mga estudyanteng ito, they try their best to get by. Pakikisamahan nila lahat ng tao because others have this thought na maybe one day ay may kailangan sila sayo or ikaw sa kanya so they have to be mabait to everyone including teachers and school staffs. of course because they don’t like conflicts with people. Friendly. I know, right. Para silang library. Ang cool. Nasa kanila lahat ng kailangan mong reference at reviewer. They collect books kasi and references, like they are so organized. These students usually have the tendency of being frustrated for not achieving what they have set for themselves. Ang hirap din ano? But guess what, di pa rin sila nawawalan ng pag-asa. Try and try lang. Dahil sa labis na puyat dahil sa kaka-aral, tinutubuan na sila ng acne at kung anu-ano pang signs ng puyat. Pero kita mo naman, okay ang result ng paghihirap nila kaka-aral. Pumapasa naman sila, ang masama nga lang hindi sila nakukuntento. I know someone who’s so diligent, pag checking ng papers sa tests, hahanapan at hahanapan niya ng kamalian ang answers mo, no considerations at all. Kaya naman pag siya ang nagcheck ng mga sagot mo, you’ll be doomed! Mahilig silang mag-collect ng certificates, for future use daw. Kaya naman ang attendance nila sa lahat ng school activities ay so complete, seminar may iyon o anu pa man basta may issuance of certificate of attendace at the end of the activity. Pati mga organizations at clubs ay sinasalihan nila. Ang rason nila ay kailangan daw yun pag nag-apply sila ng job. Oh okay. Para daw sa portfolio nila. Fine. Another thing about them, they don’t do risky actions. If it’ll jeopardize their grades and reputations, it’s a no no to them. Safe mode sila forever. Ang gusto nila ay win-win. Kahit 70-30 chances, hindi pasado sa kanila. May times na leader sila sa isang team or group. Medyo may pagka perfectionist sila so it’s difficult and stressul to work with them. Work mode lang kayo forever. Serious sila ano? So naka relate ka naman ba?
Eh ikaw? Kelan ka magiging serious sa buhay? It’s a rhetorical question. Okay, don’t even bother to answer. Ang taray. Ouch. Reality bites eh?
Hindi ko naman totally sinasabi na innate na ang mga katalinuhan o kahinaan ng utak. Naniniwala ako na malaki ang factor ng environment kung saan ka lumaki at na nurture. It’ll affect your thinking capacity, your perceptions and of course ang ugali mo. It’s your foundation. Either you’ll be inspired or demotivated to do your thing in school. I can’t argue with the people na naniniwala or hindi naniniwala sa innate intelligence. Type one, two or three ka man, magkikita kita pa rin tayo sa iisang lugar. Ang graduation venue. We’ll be wearing the same popular graduation dress sa most awaited day na iyon. Meron nga lang isang taong mabibigyan ng pagkakataong mag speech sa harap ng madaming tao, meron din hindi. So let’s cross our fingers and hope. Who knows.
So pano schoolmate. See you there.
Cheers!
**Actually this was written on January 20, 2009. Graduate na ako nitong march 21 lang. hehe. =D

